Saturday, April 5, 2008

Lenten Lunch Spread

May kasabihan: When the cat is away, the mice will play.

Ang nanay ang kontrabida sa buhay naming magkapatid disciplinarian sa amin. Siya ang laging nagsasabi sa amin na maglinis ng kwarto, maligo ng maayos, mag-tutbras, ayusin ang mga damit, etc. Hanggang ngayong malalaki na kami, lagi pa rin nya kaming pinagpasasabihan na wag masyadong kumain ng marami. Sumusunod naman kami. Masunurin kasi kami e.

Pero nitong nakalipas na semana santa, nang magpunta siya sa Manila, medyo sumuway kami sa mga payo nya. Eto ang ebidensya:


(left to right: dinuguan, galyang, inihaw na lawlaw)

(left to right: pako salad, spicy spareribs, grilled tanigue)

Dinala namin sa labas ng bahay at inilatag sa ilalim ng puno ng mangga

Ang sarap! Halos sumabog na ang tyan namin sa kabusugan. Pagkatapos:


Di ko sasabihin kung anong araw ng Semana Santa namin kinain ito…shhhh

No comments: